Friday, March 31, 2006
+ Report Card = ) +

Hello po! Ngayon na yung bigayan ng card. Bago ko kunin yung card, iniisip ko na mababa yung grades ko. Nung nakuha ko na yung card, naging masaya ako kasi okay yung grades ko. Nakakuha pa ako ng white card... hehehe.

Basta gagalingan ko next school year = D
Malapit na yung Youth Camp. Waaah! Baka di ako payagan...

Sana magbago na ang isip nila...
Ang dami ko na namang namimiss... Sige po, bye-bye! ^0^
Betina posted @ 6:21 PM
_________________________________________________
Tuesday, March 28, 2006
+ Braces = ) +

Hi to all! Hindi na naman ako nakapag-update kagad kasi pumunta ako sa dentist kahapon. Hehehe... May retainer na ako sa lower teeth = D. Yehey! Sa taas na lang ako may braces. Tatanggalin pa next week.

Grad ball nga pala nina Kuya ngayon. Congrats ulit sa mga grumaduate! Next school year kami na ang mga Ate at Kuya. Hehehe.
Nakakapanibago pa rin itong retainer ko. Pag kumakain ako parang yung retainer ko yung nalulunok ko. Hehehe. Basta masasanay din ako. Naaalala ko pa noong kakalagay pa lang ng braces ko. Hirap na hirap akong kumain pero nung tumagal nasanay na din ako. Tiniis ko lahat yun kaya ngayon ok na yung ngipin ko. Konting tiis na lang at matatapos na. Kaya kapag may tiyaga, may nilaga. Hehehe.

Ang dami ko ng namimiss...

Sige po, bye-bye! ^0^
Betina posted @ 5:24 PM
_________________________________________________
Saturday, March 25, 2006
+ Happy Birthday! +

Birthday nga pala ni Li Meiling ngayon kaya HAPPY BIRTHDAY MEILING!!!

^0^
Betina posted @ 10:04 AM
_________________________________________________
+ Graduation!!! +

Hello po! Sorry kung di ako nakapag-update kahapon kasi madami akong pinuntahan. Hehehe...
Happy Graduation sa lahat ng gagraduate! Graduation na nina Kuya Chino at Kuya Cyon ngayon. Next year ako naman yung gagraduate... Waaah! Ayoko pang umalis ng highschool... hehehe.

Yehey! Tinanggal na po yung braces ko sa lower teeth! Hehehe. Lalagyan pa ng retainer sa Monday. Sana hindi masakit. Ang sarap ng feeling kapag wala yung braces. Parang "I'm free!!!".

Hehehe. Sige po, bye-bye! ^0^
Betina posted @ 9:49 AM
_________________________________________________
Thursday, March 23, 2006
+ Happy Birthday Eriol!!! +

Birthday nga pala ni Eriol Hiiragizawa ngayon. Hehehe. HAPPY BIRTHDAY ERIOL!!!
Betina posted @ 7:42 PM
_________________________________________________
+ Hi... = ) +

Hi to all! Bumalik na rin yung mga pics ko. Bakit kaya nawala? Hmmm...
Mag-aayos na naman ako ng gamit. Haay... Nakakapagod pero kakayanin ko 'to.

Walang masyadong nangyayari dito... Pero madami kaming mga "Escapades" nina Kuya. Hehehe. Masaya kami dito sa bahay. Ako yung nagsasaing sa amin. Hehehe.
Medyo malungkot pa rin ako dahil doon sa sinabi ni Mommy at Daddy. Waaah! Sana payagan na nila ako...

Sige po, bye-bye muna! ^0^
Betina posted @ 11:01 AM
_________________________________________________
Tuesday, March 21, 2006
+ Missing pictures.... +
Ei... nawawala ung mga pics ko!!! Waaaah! What is happening? o_0
Betina posted @ 10:43 AM
_________________________________________________
Monday, March 20, 2006
+ Bakasyon na! ^0^ +

Waaaaah! Hindi na naman ako nakapag-update kagad... Sobrang tagal na... Buti na lang bakasyon na = ) para makapag-update ako araw-araw.
Marami nang nangyari simula noong huli akong nag-update. Natapos na ang Quarterly exams namin (yehey!), bakasyon na, at 4th year na ako next school year (waaaaah!). Ang bilis talaga ng panahon... Parang kailan lang 3rd year pa lang ako... haaay... Namimiss ko na ang mga classmates at schoolmates ko... Pati mga teachers ko miss ko na din (hehehe). Basta magpapakasaya ako ngayong bakasyon! Yehey! Sige po, bye-bye = )
Betina posted @ 12:29 PM
_________________________________________________